I am struggling. Still struggling. Fast paced na pag aaral. Habang nag aaral lagi kong naaalala yung sabi ni sir Morris na "Walang retention". So walang room for improvement, and there's no certainty that mababalikan mo pa yung nagawa mo na dati, kahit madaling sabihin.
Fast paced, Mapua, quarterm. Maganda sana kaso bulok naman yung sistema. Habang tumatagal ka lalo mong nakikita yung kabulukan nito. Hindi sulit yung bayad namin sa natatanggap namin. Nakakafrustrate. That is why habang nag aaral ka, naf-frustrate ka pa.
Additional factor yung mga studyante sa school. Masyadong mga hindi grade-conscious. Nakakahawa kaya yung pagiging easygoing nila. Diba pag bulok ang kamatis pag dinikit mo ang hindi, mabubulok din ito?
Paghalu-haluin mo ang mga factors na iyan sa isang quarterm. Nakaka-stress talaga at I keep on struggling para maiwasan yang stress na iyan kaso humahalo talaga sa kaibuturan ko ang mga iyan. They are the stuffs that pull me down, but I am trying to reach up and aim high.
_______
That first part was a "rant" of mine almost a year ago. It is still true, but those are things that are unchangeable. "Just do what you're supposed to do", ika nga.
Kailangan lang ng malakas na willpower at diskarte para maka-survive sa Mapua. Bubuhayin mo talaga ang "DECIR" sa katawang lupa mo: Discipline, Excellence, Commitment, Integrity and Relevance. Meron at meron rin namang mga super awesome na professors na makakapagpasabi sa iyo na "sulit ang binayad kong tuition fee dito". Pero meron ring mabi-bwisit ka. Well, lahat ata ng institutions may ganyang instructors. (Sana wala na lang though, disgrace sila sa teaching field -___-)
Ayun lang naman. Diskarte at willpower ang puhunan. Basta gusto mong may marating sa buhay, kahit anong pagsubok SIGE LANG!!
Also, about sa "bulok na sistema": mukhang bitter lang kami nung time na yan. Ngayon ok na ako XD Diskarte nga kasi and if aware ka na nga na "unchangeable" ang ilang mga bagay-bagay, edi wag mo na lang hayaang sirain nito yung buhay mo. I'm actually also happy about the enrollment for this term because it has gotten convenient compared to the "WORST and so terrible" enrollment we experienced last term. I believe (or rather 'I am hoping') that things will get more convenient and better for the upcoming terms. KUDOS!
Nagkataon lang rin na bukas na ang start ng 90th anniversary ng Mapua Institute of Technology. HINDI KO PO SINASADYANG MAITAPAT ANG POST NA ITO SA FOUNDATION WEEK.
Ipagbebenta ko po kasi yung tablet ko and nakita kong may "rant" pala ako sa Memo ko (yung nasa first part) and I just wanna upload it for me to keep that memory, para pagka may nang-kumusta sakin about Mapua, may mahaba na akong masasabi. HAHA. (All of these, not just the first part LOL). Ipagbebenta ko na nga kasi yung tablet ko and I'm deleting personal stuffs in it. Di ko trip i-factory data reset eh. That's all. VIVA MAPUA!
No comments:
Post a Comment