Thursday, April 17, 2014

Napaginipan ko ang Meteor Garden. Seriously! Pero wala sa series yung story =))

Ako si San Chai sa panaginip kong ito. At first, kaming tatlo daw nila Dao Ming Si at Xing He (?) ay na-late tapos may punishment kaming magpatawa sa harap ng classroom. Obvious sa mga itsura namin na nahihiya kami at the same time napipilitan pero tumawa naman yung mga kaklase namin. Then hirit pa ng mga kaklase, "Ulit pa!", halatang pinagti-tripan na kami. Pumayag yung cool-looking prof namin, pero ang totoo pala, may seatwork na kami. About stat nga eh xD or basta yung Math ni Sean ngayon xD siguro kasi nabasa ko yung exam nila kahapon sa chat sa fb :))

Tatlong questions ang given sa seatwork, ang pagkakaintindi ko mystery questions sila kaya dibdiban ako kung mag formulate ng sagot. However, si Dao Ming Si naman, parang tahimik at seryoso yung titig sa kawalan. Nag-iisip pala sya. Tapos bigla syang umupo at nag solve. Nakatingin ako sa kanya nung nangyari yun, tapos inexplain nya sakin kung pano nya na-solve.

-SUDDEN CHANGE OF SCENE, LUNCH-
Magkakasama kaming kumain ng F4 sa lugar na mukhang hagdanan yung likuran pero wala namang dumadaan nung time na nakain kami. Kaming dalawa lang ni Dao Ming Si yung napansin kong magsisimulang kumain tapos yung character ni Vaness Wu eh walang sawa kung tumawa kay Dao Ming Si! "Kelan ka pa naging magaling sa Math?", "Parang hindi ikaw yun hah?!", "Mantakin mo, ikaw lang ang naka-solve nung mga tanong?", kutya ng mga kaibigan nya. Wala namang ma-utal si Dao Ming Si.

 Tumpak na tumpak yung tawa ni Vaness sa tagalog dub dun sa panaginip ko, gayang gaya sa episode kahapon ng Meteor Garden na wagas makatawa si Vaness. Tapos ako naman (San Chai), bitter na bitter pala during the whole time, kasi bakit ako hindi ko nasagot yung mga tanong? Nakasimangot lang ako habang naghahagalpakan na sa kakatawa yung iba, tapos napansin ako ni Dao Ming Si, "Oh anong problema mo?" Eh kakatapos ko lang kumain ng lunch nun, tapos nag start na akong kumain ng saging bilang panghimagas. Kumuha ako ng isang kagat, tapos with a full mouth, dinuduro ko sya na para bang isa akong bata na nagmamaktol without words, kasi nakain ako xD "Anong meron? LQ?" tanong ni Xi Men. Tumigil na sa kakatawa nun si Vaness pero hyper pa rin sya. Hindi ko talaga napansin si Lei the whole time pero tingin nasa background lang sya, alam nyo naman sya xD

Ako naman, nilatag ko na lang yung the rest ng kakainin ko pa (nang pa-inis/pa-dabog): basta lima pa ata yun eh, may juice or milk, ___, ___, saging na panget, tapos inumin ulit. Since dalawa yung inumin ko at may saging na ako, (pero maganda yung kinakain ko, walang lamog) binigay ko kay Dao Ming Si yung saging na lamog saka yung isang beverage, habang nakasimangot pa rin ako. Na-cute-an naman sina Vaness dun tapos pinagku-kutsa nila kami. Eto namang si Dao Ming Si, una parang na-touch sa gesture ko, pero ayaw nya dun sa pangit na saging, "Ano tong saging na toh? Ayoko nito! Yang sayo na lang!"

As in nag try syang hablutin yung saging na kinakain ko. "Hello! Kinakain ko na toh. Tsaka, saging pa rin naman yan eh! Yung balat lang yung panget! Pero syempre mas maganda pa rin yung akin xD" -sa isip-isip ko yan ang sinasabi ko, busy lang akong kumain. Buti nga binigyan ko pa sya ng pagkain ko eh. Pero hindi ako maka-get over sa pag try nyang manghablot ng pagkain ng iba. Like HECK? THE "Dao Ming Si", manghahablot ng saging na nasa bibig na ng iba, na bawas na! =)) Pero wala syang magawa, mas tough ako sa kanya! Napakain ko sa kanya yung saging na bigay ko. Pero syempre nilagay nya sa plato yung saging at gumamit sya ng tinidor xD
-THE END-

Mukha lang makatotohanan and true pa naman sa characters nila yung sa panaginip ko kaya pinagpilitan kong hindi pa matulog habang tanda ko pa yung panaginip XD Gusto kong maitago itong alaala. :) Time check: 5:16am - ito yung time na natapos kong i-type sa memo (3 part series) ang storyang ito. 4:30 yata ako nagising gawa ng panaginip na yun? XD MARAMING SALAMAT SA PAGBASA! Ciao!

1 comment:

  1. I am a Meteor Garden Fanatic since 10 years ago and until now! I feel like 10 years younger because it's aired again on ABS-CBN. The Meteor Garden F4 are still cuties by the way, especially my greatest crush Jerry Yan. Yeheyyyyy!

    ReplyDelete