Naf-frustrate ako dahil dyan sa Amaia Scapes na yan na sobrang ganda ng subdivision kaso ang kaharap, just a thin kalsada away, ay rural-like area. Parang pang-asar lang. Parang sa pang araw-araw ibina-balandra ng mga nakatira don ang yaman nila habang yung mga tao sa harap nila lagi lang nakikita sa harap nila yang magandang subdivision na yan. .."TADAA" That was so frustrating since last year so nasanay na rin ako ngayon. Ang kaso, ngayon naman parang 10 meters away lang, may ginawa silang panibagong gate / passageway papuntang Amaia Scapes ehh dati yung parking lot ng katabi nitong Elementary School. ABA! Saan na mag p-park ang mga kailangang mag park tuwing events ng school? Not to mention pwede silang pasukin na lang ng mga bata or akyat-bahay kahit sabihin pa nating may guard dun! May possibility ring masayang yung passageway na iyon pero, sana na lang talaga binakuran na lang nila nang mataas para walang ganitong issue akong iniisip/nafo-formulate.
Naf-frustrate rin ako sa Sentosa. Maganda rin syang subdivision and oo, ang ganda ng 'frontispiece' nilang Merlion and landscaping ng malaking "SENTOSA" ang problema, wala akong nakikitang coherence nito sa loob ng subdivision. It's like, maganda sa harap pero patay sa loob. Puro bahay lang. Well, duh, subdivision sya so talagang puro bahay pero, sana may silbi yung Merlion sa harap noh? Sana may connection dun sa design nung mga bahay or may mga landscaping rin na bongga sa loob..Basta nakakaasar lang. Naaasar akong laging nakikita yun saka yung Amaia. XD
Naf-frustrate rin ako sa majority ng mga subdivisions. Kasama na yung amin, kasama na yung mga subdivisions na lagi kong nadadaanan. Oo maganda yung designs, maraming bahay na pwedeng tirahan, ang problema may bibili ba? Afford ba? Sana oo. Habang yung mga tao nagsisiksikan sa may tabi ng riles, gilid ng ilog, tabi ng kalsada, compound, etong mga subdivisions na ito ang lalawak ng free space and mga bakanteng bahay sana nakatira na doon ang majority ng mga Pilipino. Habang yung iba (gobyerno) nag iisip ng relocation, demolition ng mga illegal na nakatayong bahay nang walang mapaglilipatan; habang yung iba nag s-suggest na hayaan na sila don, palitan na lang yung bahay and pataasin ang quality nito para durable sa sakuna; itong mga subdivisions nakanta lang ng ♫ Right here waiting for you ♫.
Naaasar rin ako sa mga walang disiplinang mga motorista na pinaalala sa akin nung tricycle driver na kasunod ng tricycle namin kahapon. Nakita ko pa yung cute na pusang tumatawid nang mapayapa/leisurely tapos biglang yung sumunod na tricycle sa amin, nasagasaan sya T___T Imposibleng di nya nakita yon! Nakakaasar talaga di ko alam kung kumusta yung pusa kasi dere-deretso yung tricycle na sinasakyan namin T_T Mula noon, napansin kong hindi mababago ang mga ugali ng karamihan sa mga tao. Maging pulitiko man yan, o mamamayan lamang. Nang dahil sa internet nalaman nating may mga hampas-lupang mga tao na grabe mang abuso ng mga walang laban na mga hayop. Hindi na nadala sa pagsira sa kalikasan para sa sariling kapakanan. Kung ganito man lang din ang sitwasyon, paano natin maaangat ang isa't-isa kung may mga nagpapabigat at di naman tumutulong / tulungan ang sarili sa pag-unlad?
Nakakainis rin dahil majority ng mga kabataan ngayon ay engulfed na ng leisure at modern technology na wala na silang pakialam sa mga social issues/world problems/kung ano mang dapat sila ay maging parte o di kaya'y hindi maging pabigat o sumama pa sa problemang yoon. Gusto ko rin namang sisihin yung mga naunang henerasyon sa atin. Sila ang gumawa ng mga Iphone, PSP, android phones, at sila rin ang nagpalaki sa atin. Ang kanilang pagiging iresponsable ay nag resulta sa mga masyadong maluhong kabataan, tamad, walang pagkukusa, at walang pakialam sa mundong kanilang kinabibilangan.
Nakakainis pang sa ngayon ay wala pa akong magawa para rito at kailangan ko pang maghintay ng ilang taon para magkaroon ng maraming kaalaman dahil sa wala ako ngayong nakikitang tao na nagsusulong ng pagbabago, tila lahat na lang (ng politiko) ay mahirap nang pagkatiwalaan. Yung tipong gusto mo nang gumawa nang paraan ngayon kaso incapable ka pa at hindi pa adequate ang iyong kaalaman upang makagawa ng paraan sa mga problemang ito. Yung tipong baka kung kelan nakapagtapos ka na ay huli na ang lahat para sa pagbabago kasi nabulok na ang lahat? At yung tipong hindi ko naman talaga dapat pinoproblema ang lahat nang ito kaso bilang isang mamamayan ng mundong ganito ay naiinis talaga ako. Ako'y tila nakatali at naka-busal na gustong sumigaw pero walang magawa.
Na-f-frustrate ako lalo na kanina nang naghihintay lamang kaming mapuno yung jeep dahil puro ganito yung iniisip ko. Yung hindi ko magawang maging masaya dahil sa mga tulad nito na tila dapat hindi naman talaga ako damay sa ganitong sitwasyon pero nag-aalab pa rin ang inis ko? Kung hindi ko lang mahal ang sarili ko pwede na akong magpakamatay sa sobrang seryoso ng inis at loss of faith ko sa humanity (like "I don't wanna live in this world anymore" na peg). Nakaka-frustrate, nakaka-frustrate, nakaka-frustrate.
Isa pang nakaka-frustrate. Matiyaga lamang ang magbabasa nito eh. Yung mga dapat patamaan nito ay tinignan lamang yung kabuuan tapos nag-give up agad, parang mga judgemental na tao na facade pa lang ng tao ang nakikita, nang-husga agad; para ring mga taong mabilis mag give up sa problema dahil hindi nila inisip kung anong magiging tulong nito sa kanilang pag-grow bilang indibidwal, hindi man lang tinignan ang thought at esensya ng bagay na iyon. So kung ikaw, binabasa mo ito, THANK YOU sa pagbibigay oras sa aking napakahabang blog and SALUDO AKO sa tiyaga mo. Ibang klaseng tao ka :)
P.S. sa lahat ng mga nabanggit ko rito: Patawad ngunit opinyon ko lamang ito. Minsan ko lamang ilabas kung ano ang hinanakit ko sa mundo, pagbigyan nyo na ako. I might say that this is nothing but pure critique, not paninirang-puri; not a criticism in a way that nakakabulok ng dignidad kundi maaaring susi ng pagbabago kung titignan nyo lang kung ano ang mga pagkukulang/pagkakamali ninyo. "Nothing is permanent but CHANGE" ika nga.