Thursday, March 28, 2013

Na-f-frustrate ako.

Naf-frustrate ako dahil dyan sa Amaia Scapes na yan na sobrang ganda ng subdivision kaso ang kaharap, just a thin kalsada away, ay rural-like area. Parang pang-asar lang. Parang sa pang araw-araw ibina-balandra ng mga nakatira don ang yaman nila habang yung mga tao sa harap nila lagi lang nakikita sa harap nila yang magandang subdivision na yan. .."TADAA" That was so frustrating since last year so nasanay na rin ako ngayon. Ang kaso, ngayon naman parang 10 meters away lang, may ginawa silang panibagong gate / passageway papuntang Amaia Scapes ehh dati yung parking lot ng katabi nitong Elementary School. ABA! Saan na mag p-park ang mga kailangang mag park tuwing events ng school? Not to mention pwede silang pasukin na lang ng mga bata or akyat-bahay kahit sabihin pa nating may guard dun! May possibility ring masayang yung passageway na iyon pero, sana na lang talaga binakuran na lang nila nang mataas para walang ganitong issue akong iniisip/nafo-formulate.

Naf-frustrate rin ako sa Sentosa. Maganda rin syang subdivision and oo, ang ganda ng 'frontispiece' nilang Merlion and landscaping ng malaking "SENTOSA" ang problema, wala akong nakikitang coherence nito sa loob ng subdivision. It's like, maganda sa harap pero patay sa loob. Puro bahay lang. Well, duh, subdivision sya so talagang puro bahay pero, sana may silbi yung Merlion sa harap noh? Sana may connection dun sa design nung mga bahay or may mga landscaping rin na bongga sa loob..Basta nakakaasar lang. Naaasar akong laging nakikita yun saka yung Amaia. XD

Naf-frustrate rin ako sa majority ng mga subdivisions. Kasama na yung amin, kasama na yung mga subdivisions na lagi kong nadadaanan. Oo maganda yung designs, maraming bahay na pwedeng tirahan, ang problema may bibili ba? Afford ba? Sana oo. Habang yung mga tao nagsisiksikan sa may tabi ng riles, gilid ng ilog, tabi ng kalsada, compound, etong mga subdivisions na ito ang lalawak ng free space and mga bakanteng bahay sana nakatira na doon ang majority ng mga Pilipino. Habang yung iba (gobyerno) nag iisip ng relocation, demolition ng mga illegal na nakatayong bahay nang walang mapaglilipatan; habang yung iba nag s-suggest na hayaan na sila don, palitan na lang yung bahay and pataasin ang quality nito para durable sa sakuna; itong mga subdivisions nakanta lang ng Right here waiting for you ♫.

Naaasar rin ako sa mga walang disiplinang mga motorista na pinaalala sa akin nung tricycle driver na kasunod ng tricycle namin kahapon. Nakita ko pa yung cute na pusang tumatawid nang mapayapa/leisurely tapos biglang yung sumunod na tricycle sa amin, nasagasaan sya T___T Imposibleng di nya nakita yon! Nakakaasar talaga di ko alam kung kumusta yung pusa kasi dere-deretso yung tricycle na sinasakyan namin T_T Mula noon, napansin kong hindi mababago ang mga ugali ng karamihan sa mga tao. Maging pulitiko man yan, o mamamayan lamang. Nang dahil sa internet nalaman nating may mga hampas-lupang mga tao na grabe mang abuso ng mga walang laban na mga hayop. Hindi na nadala sa pagsira sa kalikasan para sa sariling kapakanan. Kung ganito man lang din ang sitwasyon, paano natin maaangat ang isa't-isa kung may mga nagpapabigat at di naman tumutulong / tulungan ang sarili sa pag-unlad?

Nakakainis rin dahil majority ng mga kabataan ngayon ay engulfed na ng leisure at modern technology na wala na silang pakialam sa mga social issues/world problems/kung ano mang dapat sila ay maging parte o di kaya'y hindi maging pabigat o sumama pa sa problemang yoon. Gusto ko rin namang sisihin yung mga naunang henerasyon sa atin. Sila ang gumawa ng mga Iphone, PSP, android phones, at sila rin ang nagpalaki sa atin. Ang kanilang pagiging iresponsable ay nag resulta sa mga masyadong maluhong kabataan, tamad, walang pagkukusa, at walang pakialam sa mundong kanilang kinabibilangan.

Nakakainis pang sa ngayon ay wala pa akong magawa para rito at kailangan ko pang maghintay ng ilang taon para magkaroon ng maraming kaalaman dahil sa wala ako ngayong nakikitang tao na nagsusulong ng pagbabago, tila lahat na lang (ng politiko) ay mahirap nang pagkatiwalaan. Yung tipong gusto mo nang gumawa nang paraan ngayon kaso incapable ka pa at hindi pa adequate ang iyong kaalaman upang makagawa ng paraan sa mga problemang ito. Yung tipong baka kung kelan nakapagtapos ka na ay huli na ang lahat para sa pagbabago kasi nabulok na ang lahat? At yung tipong hindi ko naman talaga dapat pinoproblema ang lahat nang ito kaso bilang isang mamamayan ng mundong ganito ay naiinis talaga ako. Ako'y tila nakatali at naka-busal na gustong sumigaw pero walang magawa.

Na-f-frustrate ako lalo na kanina nang naghihintay lamang kaming mapuno yung jeep dahil puro ganito yung iniisip ko. Yung hindi ko magawang maging masaya dahil sa mga tulad nito na tila dapat hindi naman talaga ako damay sa ganitong sitwasyon pero nag-aalab pa rin ang inis ko? Kung hindi ko lang mahal ang sarili ko pwede na akong magpakamatay sa sobrang seryoso ng inis at loss of faith ko sa humanity (like "I don't wanna live in this world anymore" na peg). Nakaka-frustrate, nakaka-frustrate, nakaka-frustrate.

Isa pang nakaka-frustrate. Matiyaga lamang ang magbabasa nito eh. Yung mga dapat patamaan nito ay tinignan lamang yung kabuuan tapos nag-give up agad, parang mga judgemental na tao na facade pa lang ng tao ang nakikita, nang-husga agad; para ring mga taong mabilis mag give up sa problema dahil hindi nila inisip kung anong magiging tulong nito sa kanilang pag-grow bilang indibidwal, hindi man lang tinignan ang thought at esensya ng bagay na iyon. So kung ikaw, binabasa mo ito, THANK YOU sa pagbibigay oras sa aking napakahabang blog and SALUDO AKO sa tiyaga mo. Ibang klaseng tao ka :)

P.S. sa lahat ng mga nabanggit ko rito: Patawad ngunit opinyon ko lamang ito. Minsan ko lamang ilabas kung ano ang hinanakit ko sa mundo, pagbigyan nyo na ako. I might say that this is nothing but pure critique, not paninirang-puri; not a criticism in a way that nakakabulok ng dignidad kundi maaaring susi ng pagbabago kung titignan nyo lang kung ano ang mga pagkukulang/pagkakamali ninyo. "Nothing is permanent but CHANGE" ika nga.

Saturday, March 23, 2013

TATSULOK - a 2-minute Talumpati in Fil10 (3rd term 2012-2013 Mapua Institute of Technology) EXTENDED

Noong nakaraang linggo, tayo'y ipinakinig ni Binibining Tayag ng mga tugtugin at unang-una na rito ang Tatsulok. Lumang kanta na ito ngunit, noon ko lamang napagtanto kung ano ang nais nitong ipahiwatig.

Napakaraya ng mundo, ano? Napakaraya nito lalung-lalo na sa mahihirap. Puro pera na lamang ang katapat ng lahat! Ang mayayaman, konting alitan lang, ay magbabayad na lamang sa kanilang abugado at madadaan na ito sa korte. Kaysa mas pagtuunan ng pansin ang mas makabuluhang mga kaso ay sisingit pa ang mga kasong tulad non! Eh ang mahihirap? Pag sila nanakawan, nasira ang dignidad, napaslang ang mahal sa buhay, may ipangbabayad ba sila upang makamit ang hustisya? Kahit sabihin pa nating demokrasya ang ating bansa ay hindi parin tayo pantay-pantay bilang mga mamamayan! Lagi na lang mayayaman ang nakakakuha ng lahat ng gusto nila habang ang mahihirap ay hindi pa rin umuusad sa kanilang kalagayan.

Napaisip ako. Ang kapwa ko ba mga kamag-aral ay napapaisip na nang ganito? May malasakit rin ba sila sa ating kapwa o tila nabubuhay na lamang sila sa pang-araw-araw nang hindi tumitingin sa kanilang kapaligiran? Sa kanila bang paglaki ay may gagawin sila upang baligtarin ang tatsulok at mapanatili ang pagkakapantay-pantay ng lahat? Hindi ba't ang pangit namang tignan na tayo'y nakapagtapos ng pag-aaral, umasenso, nang di man lang tayo tutulong sa ating kapwa habang may potensyal naman tayo? Sana, sa ating pagbangon sa araw-araw, ay bumangon tayo nang may layuning maging parte ng pagbabago para sa kabutihan ng ating kinabukasan. Kaya't tayo na't maging mapagmalasakit, at mapagmahal sa ating bayan.

Thursday, March 21, 2013

Guggenheim Museum in New York by Frank Lloyd Wright

1. His inverted ziggurat (a stepped or winding pyramidal temple of Babylonian origin) dispensed with the conventional approach to museum design, which led visitors through a series of interconnected rooms and forced them to retrace their steps when exiting. Instead, Wright whisked people to the top of the building via elevator, and led them downward at a leisurely pace on the gentle slope of a continuous ramp. The galleries were divided like the membranes in citrus fruit, with self-contained yet interdependent sections.

2. This spiral serves not only for design purposes but also as a natural guide for visitors. It is one of the few museums I can honestly say that I have never been lost in. The design allows the viewer to easily interact with the work, without having to think where to walk or ask themselves, “Have I been in this room already?”

copyright: http://www.guggenheim.org/new-york/about/frank-lloyd-wright-building and http://theeyethatwrites.blogspot.com/2012/03/normal_26.html


Because of this I just realized the cool part of being an architect. :))
You hold the power of what the building would look like. You can create not just mere quadrilateral type, but even complex labyrinth or maze-like --anything within your vast imagination. As long as you have the will to COMPUTE and apply the laws of Physics, Calculus, etc etc, you can come up with something like Wright's Guggenheim Museum; or Frank Gehry's or Calatrava and -put other cool architects and their styles here-

I hope one day I would be able to create something like this. ..or weirder :))

Venetian Resort Hotel Casino - Modern Classical


A modern hotel/resort/casino inspired by Classical stuffs. Siguro ganito rin ka-grand ang mga lumang buildings nung panahon nila kasi ngayon diba nawala na yung "kintab" nila and you can see their (beautiful) deterioration caused by time? I love the old-esque-chuvaness ng mga old structures/buildings because you can feel mystique and history na tila nakapanuot sa bawat millimeter ng mga nakikita/nadadaanan mong structure/building.

Mala-chimera ang peg oh XD
Tapos may matataba pang columns na hindi Classical Greek Order, I dunno what that is.
With ogee arches (yung mukhang onion) tapos Drop arch sa ibaba. (Nakikita ko yung pagka point eh, mukhang drop arch)


I wanna go here XDDD So beautiful. asdfghjkl kaso may casino. Oh well XD

Mga nakikita ko sa Google Images. Not sure whether part pa ito ng Venetian Resort Hotel Casino kasi parang lumayo yung itsura ohh, basta I was    with the escalator. Ewan ko, basta fascinated ako sa mga magagandang hagdanan (though escalator yan, and I'd appreciate that more if hagdanan yan) xD


Venice in Las Vegas nga (if this is still Venetian Resort Hotel Casino, tinatamad na ako mag search to verify XDD :P) May quoins pa ohh and again that Ogee arch, tapos ..basket handle arch ba yun? tapos mga round arches, asdfghjkl adik sa arch? (ako o yung gumawa nito, kayo humusga) XD and there's some tracery windows on the right and a ...what do you call it if tatlo silang ..."coupled window"? :)) And ooh hi DENTILS!! Tuwang tuwa ako sa dentils kasi yan yung pinaka unang AR term na tumatak sa akin---uhh, just a weird fact. XD

Basta yun, ang saya lang talagang mag point out ng mga AR terms sa mga ganyang buildings. Considered as Eclectic building na ito kasi masyadong halu-halong mga styles na toh eh.. Saya x))

Nang dahil dito gusto ko tuloy mag design ng hotel or basta MODERN NA CLASSICAL ♥ 
I thought hanggang bahay lang ang mga gusto kong i-design pero oo, mas pagtutuunan ko yun ng pansin pero may mga sidelines na ganito, tapos may Deconstructivism, tapos mala-Calatrava, Art Nouveau, tapos THEME PARK ♥ !!! Dami kong gustong gawin.hahaha ..basta I wanna be versatile on my profession, para LAHAT ng napag aralan ma-put to use diba? :3



Ang ganda nya ohh, so cool~ ~ ~ So pretty ~ ~ ~ CUTEY PATOOTIE ayon sa bokabularyo ng aking kaibigan XD

---final remarks: Ang beki lang ng post na ito. Bear with me kakagising ko lang, wala sa matinong pag iisip xD

Tuesday, March 19, 2013

I want a Great Pyrenees when I grow up!!!!



I first saw a HUGE Great Pyrenees in Hana Kimi Taiwan. I want a noble looking dog like that and it's so huge I want it so bad like how I want a huge tiger like in Alladin! XDD Not sure about the tiger because it's a very hard responsibility and I'm more sure about having a dog than a tiger that you are not sure whether its wildness could disappear (like in Alladin where the tiger is very tame).
I wanna cuddle a dog like this :3
This handsome doggy right here is(tilt your head to the left) x3 x3 x3

Oh and I want him to be friends with my CATS, yeah a one Great Pyrenees with a bunch of cats is awesome :))
and this ASDFGHJKL ughh, so cute!!! <3

Advocacy

Sustainable design
Green Architecture
Renewable Energy
PLEDGE FOR CHEAP SOLAR PANELS

I want to help Mother Nature with my profession. Aside from that, I want to try helping humanity, too by creating a better environment for everyone - who likes the squatters area anyway? I want to abolish that and create a better looking home for them to live in. They should help maintain the cleanliness by practicing discipline and there should be someone to check them if they maintain the beauty of their surroundings because they should be thankful, or else they would be living in a trash once again if they don't practice cleaning..right?